^

PSN Palaro

Red Cubs nilapa ang 2 panalo

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dinurog ng Extreme 97 San Beda ang NLEX Tarlac, 94-31, at Philex Zamboanga, 131-51, upang pangunahan ang mga nagsipanalo sa pagbubukas ng SEAOIL NBTC National High School Championship kahapon sa Pasig City.

Ang dating National team member na si  ridge Radge Tongco at Niko Abatayo ay may tig-12 puntos habang tig-10 ang ginawa nina Javee Mocon at Evan Furaque para pangunahan ang Red Cubs sa Tarlac.

Si Tongco ay may 16 puntos habang si Rev Dipotado ay naghatid ng 15 para tulungan ang Cubs na maka-2-0 karta nang kalusin ang  Zamboanga.

Nagsanib naman sa 42 puntos sina John Apacible at Cling Dominquez para tulungan ang Mako Hope Christian High School sa 96-83 panalo sa Smart Bacolod.

May 31 puntos naman si Paul Calvo para gulatin ng Smart Iloilo ang Extreme Diesel National University, 65-60.

Sa iba pang resulta, nanalo ang Philex Cagayan de Oro sa Smart Legazpi, 109-94, ang Maynilad Cebu ay nanalo sa Meralco Cavite, 99-28, at ang Meralco Lucena ay nakalusot sa NLEX Dagupan, 76-73.

May 16 koponan ang naglalaban-laban sa National Finals at hinati sila sa tig-apat na grupo at ang ma­ngunguna sa bawat grupo ang magtutuos sa semis.

vuukle comment

CLING DOMINQUEZ

EVAN FURAQUE

EXTREME DIESEL NATIONAL UNIVERSITY

JAVEE MOCON

JOHN APACIBLE

MAKO HOPE CHRISTIAN HIGH SCHOOL

MAYNILAD CEBU

MERALCO CAVITE

MERALCO LUCENA

NATIONAL FINALS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with