^

PSN Palaro

‘Pinoy Pride XVIII: World Champion vs World champion Fuentes bodega ni Nietes ang puntirya

QH - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na sikreto na maglulunsad si WBO minimumweight king Moises Fuentes ng atake sa bodega ni WBO lightflyweight title holder Donnie Nietes sa kanilang 12-round fight sa ‘Pinoy Pride XVIII:  World Champion vs  World Champion sa Sabado sa Waterfront Hotel and Casino sa Cebu City.

Kilala ang 27-anyos na si Fuentes bilang isang body puncher at may 4 1/2 inch advantage laban kay Nietes.

Kung gaano katibay ang bodega ni Nietes ay ma­de­de­termina sa pag-atake ni Fuentes para sa kanyang ikalawang sunod na pagdedepensa ng suot niyang 108-pound crown na kinuha niya kay Mexican Ramon Garcia noong Oktubre ng 2011.

Pitong Mexican fighters na ang tinatalo ni Nietes, kasama ang tatlong binigo niya mismo sa Mexico bilang WBO minimumweight champion.

Noong Oktubre, dumayo si Fuentes sa Puerto Rico kung saan niya binugbog si legendary hometowner Ivan Calderon sa 1:22 ng fifth round.

Kagaya ng inaasahan, tinutukan ni Fuentes ang katawan ni Calderon.

Dalawang beses bumagsak si Calderon sa fifth round bago inihinto ni referee Luis Pabon ang laban.

Manonood sa ringside ng Nietes-Fuentes championship fight si Mexican ring legend Marco Antonio Barrera at ang kanyang kapatid na si Jorge ay mananatili sa corner ni Fuentes kasama sina trainers Aaron Dominguez at Genaro Segura.

Si  Jorge Barrera ang tumatayong manager ni Fuen­tes.

Natuto ang magkapatid na Barrera na magboksing sa kanilang tiyuhin na si Arturo Luis Miguel Lucas.

Sinabi ni Marco Antonio na mas magaling na boksi­ngero sa kanya si Jorge.

“Jorge won a lot of titles, the Golden Gloves and some other big tournaments so people really didn’t pay any attention to me,” wika ni Marco Antonio sa isang interview ni Brent Matteo Alderson.

Naging professional ang 40-anyos na si Jorge noong 1989 at nagtala ng 20-10-1 record, kasama ang 8 KOs.

Nagbalik siya sa boxing ring noong 2010 matapos ang 12-year hiatus kung saan siya pinatumba ni Gilberto Sanchez sa second round.

Sina Marco Antonio at Jorge ay hindi lamang magkapatid kundi magkatambal sa boxing business.

 

AARON DOMINGUEZ

ARTURO LUIS MIGUEL LUCAS

BRENT MATTEO ALDERSON

CEBU CITY

FUENTES

JORGE

MARCO ANTONIO

NIETES

WORLD CHAMPION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with