^

PSN Palaro

Kapatid ni AJ Banal nagpasikat; GenSan namumuro sa overall title

Pilipino Star Ngayon

MAASIN, Leyte , Philippines  --Nagpasikat ang nakababatang kapatid ng world title challenger AJ Banal na si Hipolito Banal Jr. nang masama sa mga boksingero mula Mandaue City na pumasok sa finals sa PLDT-ABAP National Boxing Championship na ginagawa dito.

Pinulbos ni Banal si Joash Jordan ng General Santos City, 28-8, sa semifinals ng junior light flyweight division upang  mangailangan na lamang ng isang panalo para kilalaning kampeon sa palaro ng ABAP.

Ang 15-anyos na mag-aaral ng Kabankalan National High School ay babanggain si Patrick Dinolan ng Davao del Norte na tinalo si Mario Jaga ng Bago City, 8-4.

Kilalang malakas din kung sumuntok si Dinolan upang paniwalaan na magiging maaksyon ang tagisan ng dalawa para rin sa puwesto sa national pool.

Ang mga kasamahan ni Banal sa Mandaue na si Jeffrey Estelle na inilampaso si  Aldrin Signar  ng Tayabas, 19-10, sa junior boys pinweight division.

Lumalabas naman na ang General Santos City ang namumuro sa tagisan para sa overall title sa pagka­karoon ng apat na boksingero sa finals habang ang Misamis Oriental at Davao del Norte na kilalang lugar na pinagmumulan ng mga mahuhusay na boksingero ay nagpasok ng tig-tatlong boxers sa championship round.

 

ALDRIN SIGNAR

BAGO CITY

DAVAO

GENERAL SANTOS CITY

HIPOLITO BANAL JR.

JEFFREY ESTELLE

JOASH JORDAN

KABANKALAN NATIONAL HIGH SCHOOL

MANDAUE CITY

MARIO JAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with