^

PSN Palaro

Heat sinuwag ang Bulls

Pilipino Star Ngayon

CHICAGO -- Dumiretso ang Miami Heat sa kanilang season-high na siyam na sunod na panalo matapos kunin ang 86-67 tagumpay laban sa Chicago Bulls sa likod ng 26 points ni LeBron James.

Nauna dito, inilampaso ng Heat ang Oklahoma City Thunder bago ang All-Star break at iniskoran ang Atlanta Hawks noong Miyerkules bago giniba ang Bulls.

Humakot din si James ng 12 rebounds at 7 assists para sa arangkada ng Miami.

Nagdagdag naman si Dwyane Wade ng 17 points para sa Heat na kaagad kinontrol ang first half para ipatikim sa Chicago ang kanilang pang-limang kabiguan sa nakaraang pitong laro.

Sinabi naman ng Bulls na hindi pa makakalapag­laro si Derrick Rose dahil sa kanyang knee injury.

Nagtala ang Chicago ng masamang season-high 27 turnovers matapos matawagan ng 29 kontra sa Washington noong Dis­yembre 4, 2004.

Tumipa si Nate Robinson ng 14 points para sa Chicago.

 

ATLANTA HAWKS

CHICAGO BULLS

DERRICK ROSE

DUMIRETSO

DWYANE WADE

HUMAKOT

MIAMI HEAT

NATE ROBINSON

OKLAHOMA CITY THUNDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with