McClinton, Crosby nagsasanay na
Pinaghahandaan nang husto nina Luz McClinton at Gemmalyn Crosby ang paglahok sa Arnold Sports Festival na pinakamalaking multi-sports event sa sports fitness sa USA.
Sa Arnold Classic sasali sina McClinton at Crosby na gagawin sa Marso 2 sa Veterans Memorial sa Columbus, Ohio.
“To be successful in this sport, you must dedicate yourself 100% to your training, diet and mental approach,†wika ni Crosby na dalawang beses sa isang araw kung magsanay.
Sa kabilang banda, si McClinton na kilala rin sa taguri bilang “Mom of Steel†ay dalawang beses din sa isang araw kung magsanay at tumatagal ito ng limang oras.
Sa umaga siya nagsasagawa ng cardio at lkeg definition gamit ang bisikleta at elliptical machine habang sa gabi siya tumatakbo at nagsasagawa ng weight training.
Iigting pa ang kanilang paghahanda sa linggong ito para tiyak na mailagay ang sarili sa pinakamagandang kondisyon.
- Latest