^

PSN Palaro

Sarmiento kampeon pa rin

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nabigo ang mga mahi­hilig sa mixed martial arts na makapanood ng mainitang labanan sa tampok na tagisan sa PXC 35 nang madaling tinalo ng nagdedepensang kampeon sa lightweight Harris Sarmiento ang bagitong challenger na si Isaiah Ordiz noong Sa­bado ng gabi sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.

Sa unang salpukan ilang minuto matapos buksan ang tagisan ay agad na ipinakita ni Sarmiento ang bangis nang buhatin niya at isinalya si Ordiz.

Hindi na nakaba­ngon pa ang challenger at sumu­ko sa 4:02 sa first round matapos mapilipit ni Sarmiento ang kanyang braso.

Masidhi ang pagnanais ni Sarmiento na manalo upang makabangon matapos matalo sa mas magaan na timbang kay Mark Striegle noong naka­r­a­ang Nobyembre.

Mas naging mainit pa ang tagisan nina Louis Smolka ng Hawai at Fil-Am Alvin Cacdac para malaman kung sino ang haha­mon kay flyweight champion Ali Cali ng Davao City.

Bumangon si Smolka buhat sa naunang pagpapasikat ni Cacdac na nagresulta sa pagkaputok ng noo sa first round nang dominahin ang ikalawa at third rounds gamit ang mahusay na ground technique.

Ang mahusay na pagkakaipit ni Smolka sa leeg ni Cacdac ang nagresulta sa pagsuko  nito sa ikatlong round.

 

ALI CALI

CACDAC

DAVAO CITY

FIL-AM ALVIN CACDAC

HARRIS SARMIENTO

ISAIAH ORDIZ

LOUIS SMOLKA

SARMIENTO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with