^

PSN Palaro

Seaoil HS All-Star Game kasado na sa Marso 3

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ang pinakamahuhusay na high school players sa bansa ang magkakasukatan sa Marso 3 sa 2013 Seaoil High School All-Star Game sa Ynares Sports Center sa Pasig City.

May 30 manlalaro mula sa iba’t-ibang bansa ang magpapakitang-gilas sa laro na kabahagi sa gaganaping National Basketball Training Center (NBTC) Finals sa susunod na buwan.

“The Seaoil High School All-Star Game is once again the premier event to showcase the Philippines’ top high school basketball talent,” wika ni NBTC training director Alex Compton.

Nangunguna sa mga sasali sa palaro na isinunod sa McDonald’s All-American tournament ay sina Jerie Pingoy ng FEU, Ralph Atangan ng NU, Ranbill Tongco ng San Beda at Nicko Bahia ng UST.

Babandera naman sa mga manlalaro galing sa probinsiya sina John Luna ng Cagayan de Oro, Paul Desiderio ng Cebu at Kib Montalbo ng Bacolod.

Ang laro ay makakatulong din para maipakita ng mga players sa mga scouts ang kanilang husay upang magkaroon ng pagkakataon na mapasama sa mga collegiate teams.

Noong nakaraang taon, ang tubong Cebu na si Henry Asilum ang isa sa di kilalang player na naispatan ng UP para mabigyan ng puwesto sa koponan sa UAAP.

Ito ang ikalawang Seaoil High School All-Star Game at ang White team na hawak ni Britt Reroma ng San Beda ang nanalo sa Blue na diniskartehan ni Jeff Napa ng National University, 87-81.

Ang manlalaro ng Ma­pua na si Ace Basas ang hinirang na MVP ng nagdaang edisyon at tinalo niya si Jeron Teng na kamador ngayon ng La Salle.

 

 

ACE BASAS

ALEX COMPTON

BRITT REROMA

CEBU

HENRY ASILUM

JEFF NAPA

JERIE PINGOY

JERON TENG

SAN BEDA

SEAOIL HIGH SCHOOL ALL-STAR GAME

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with