Nakaligtas sa hamon ng Lady Tams: Lady Bulldogs kumakahol pa
Laro ngayon
(The Arena, San Juan City)
2 p.m. UP vs Adamson
3:30 p.m. Ateneo vs UST
MANILA, Philippines - Nanatiling buhay ang paghahabol sa playoff sa Final Four ng host National University nang lapain ang FEU, 25-19, 25-12, 25-18, sa UAAP women’s volleyball kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Si Maricar Nepomuceno ay gumawa ng 18 puntos, tampok ang 16 kills, habang si Dindin Santiago ay mayroong 11 puntos at apat dito ay kinuha sa serve.
Matamlay ang laro ng Lady Tamaraws dahil na rin sa katotohanang talsik na sila sa kompetisyon at ito ay agad na kinapitalisa ng NU na kumuha ng 36-26 bentahe sa attacks, may 11-4 agwat sa blocks at 4-3 kalamangan sa service aces.
“Motivated silang maÂnalo dahil gusto pa nilang lumaban sa playoff,†wika ni NU coach Francis Vicente.
Ang panalo na kinuha sa larong tumagal lamang ng isang oras at 13 minuto ay ikawalo sa 14 na laro ng Lady Bulldogs para mapantayan ang mga panalo ng Adamson at UST na magkasalo sa ikatlo at apat na puwesto sa 8-5 baraha.
Magtatapos ang elimination round ngayong haÂpon at aasa ang Lady BullÂdogs na isa sa Lady Falcons o Lady Tigresses ang matatalo sa kanilang asignatura para magkaroon ng playoff.
Kalaban ng Adamson ang mahinang UP habang ang UST ay masusukat sa pumapangalawang AteÂneo.
Opisyal na inangkin ng nagdedepensang kamÂpeon na La Salle ang unang puwesto nang panain ang ika-13 sunod na panalo laban sa UE, 25-11, 25-13, 25-15, sa unang laro.
Humataw ng 16 puntos si VicÂtoÂrana Galang para pamunuan ang atake ng Lady Archers na ginamit ang iba pang players para bigyan ng exposure bilang paghahanda sa krusyal na playoff.
- Latest