^

PSN Palaro

Pananalasa ng San Miguel pinutol ng Malaysia

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagpasikat agad ang mga bagong manlalaro ng Westports Malaysia Dragons na sina Sammy Monroe at Fil-Am Justin Melton upang wakasan ang kanilang losing streak sa pamamagitan ng 82-76 panalo sa San Miguel Beerrmen sa 4th ASEAN Basketball League kaha­pon sa MABA Gym sa Malaysia.

Si Monroe na hinalinhinan ang injured na si Cedric Bozeman, ay mayroong 32 puntos kasama ang 6-of-10 shooting sa 3-point line habang si Melton, na nasama sa Gilas Cadet pool,  ay mayroong 18 puntos, lakip ang 3-of-4 shooting sa tres.

Si Gavin Edwards ay mayroong 13 puntos at 13 rebounds at naipasok ang natatanging tres at ang tatlong bigating manlalaro ni coach Ariel Vanguardia ay nagsanib sa 10-of-15 shooting sa 3-point line.

 Sa kabuuan, ang Dra­gons na tinalo ng Beermen sa semifinals noong nakaraang season ay tumapos tangan ang 11-of-25 shooting sa tres.

“When I formed this team, my goal was to real­ly beat San Miguel. But I forgot the other teams that resulted to our defeats. I just challenged the players to proved that they can beat San Miguel and they just accepted the challenge,” wika ni Vanguardia na tinapos ang apat na sunod na kabiguan tungo sa 3-4 baraha.

May 22 puntos  at 14 rebounds si Gabe Freeman habang  20 ang ginawa ni Chris Banchero para ma­sama sa apat na manlalaro ng Beermen na may doble-pigura sa iskoring.

Pero kinulang pa rin ito dahil natapatan ng Dra­gons ang puwersa sa ilalim ng Beermen at angat pa nga ng dalawang puntos, 32-30, ang home team sa inside points at  malasap ang ikatlong kabiguan.

 

ARIEL VANGUARDIA

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

BUT I

CEDRIC BOZEMAN

CHRIS BANCHERO

DRA

FIL-AM JUSTIN MELTON

SAN MIGUEL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with