^

PSN Palaro

James nagbida uli sa panalo ng Heat

Pilipino Star Ngayon

OKLAHOMA CITY -- Humakot si LeBron James  ng 39 points, 12 rebounds at 7 assists para banderahan ang Miami Heat sa 110-100 panalo kontra sa Oklahoma City Thunder noong Huwebes ng gabi.

Nasa posisyon si Ja­mes para ipagpatuloy sa pito ang kanyang NBA record run ng mga larong umiiskor siya ng 30 points at 60 percent shooting.

Nagmintis naman siya sa kanyang mga tirada sa 3-point line sa huling minuto ng fourth quarter kung saan angat ang Miami ng 10 points sa Oklahoma City.

Ngunit mas mahalaga kay James ang seven-game winning streak ng Heat, tinalo ang Thunder sa ikaanim na sunod na pagkakataon sapul noong NBA Finals.

Naglista si Chris Bosh ng 20 points at 12 rebounds para sa Heat, ipinanalo ang huling apat na laro sa NBA Finals matapos matalo sa Game 1 sa Oklahoma City.

Tumapos si Dwya­ne Wade ng 13 points at 8 assists bago ma-foul out sa 3:29 sa laro.

Umiskor naman si Kevin Durant ng 40 points ngunit naimintis ang kanyang unang pitong tira para sa Oklahoma City.

Nailapit ni Durant ang Thunder sa 100-108 matapos makabangon mula sa isang 23-point deficit sa Heat.

 

vuukle comment

CHRIS BOSH

DWYA

HUMAKOT

HUWEBES

KEVIN DURANT

MIAMI HEAT

NAGLISTA

OKLAHOMA CITY

OKLAHOMA CITY THUNDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with