^

PSN Palaro

Sa gitna ng balak na token athletes sa Myanmar SEAG Pagsasanay ng atleta ipagpatuloy - PSC

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hinimok ni PSC chairman Ricardo Garcia ang Pambansang atleta na ipagpatuloy ang pagsasa­nay kahit malabo silang ipadala sa SEA Games sa Myanmar.

Ito ay dahil sa may mga  malalaking torneo pang puwedeng salihan na mas pakikinabangan ng mga manlalaro at ng bansa.

Ang iba pang  laro na pinaghahandaan ay ang Asian Indoor  Martial Arts Games sa Incheon sa Hun­yo, ang Asian Youth Ga­mes sa Nanjing sa Agosto at ang Asian Centennial Games na gagawin sa Boracay sa Nobyembre.

“Wala silang dapat na ikatakot. May mga ibang tournaments na puwede nilang paghandaan kung hindi sila masama sa SEA Games,” wika ni Garcia.

Tinuran niya na ang perang matitipid sa ‘di pagpapadala ng malaking delegasyon ay gagamitin sa pagpondo sa ibang nakaumang na kompetisyon.

Ang paglahok dati sa mga nabanggit na torneo ng mga NSAs ay nangyayari lamang dahil ibinabawas ang perang gugugulin mula sa kanilang taunang budget sa Komisyon.

Itinutulak ng PSC ang pagpapadala ng limitang bilang ng atleta dahil tiyak na ang pagbagsak ng bansa sa standings dahil sa pagpapabor ng Myanmar sa mga larong malakas sila.

Nagsabi na ang POC na ang mga atleta na may tsansang manalo lamang ng ginto sa individual events ang kanilang ipadadala sa Myanmar.

vuukle comment

AGOSTO

ASIAN CENTENNIAL GAMES

ASIAN INDOOR

ASIAN YOUTH GA

BORACAY

MARTIAL ARTS GAMES

MYANMAR

RICARDO GARCIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with