^

PSN Palaro

Padilla, Chef De Mission sa Youth Games

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bagong papel ang gagampanan ni pistol champion Na­thaniel ‘Tac’ Padilla nang hirangin siya bilang Chef de Mission ng Pilipinas sa 2nd Asian Youth Games sa Nanjing, China sa Agosto 16-24.

Napili ang 48-anyos na si Padilla dahil sa kanyang hu­say na makisalamuha sa mga kabataan nang magta­gumpay ang kanyang National Youth Development Prog­ram na ipinairal sa Philippine National Shooting As­sociation (PNSA).

Ito ang unang pagkakataon na hahawak ng nasabing pu­westo si Padilla.

Hindi naman  mangangahulugan ito na iiwan na niya ang paglalaro bagkus ay babalik din agad sa pagiging shooter kapag natapos na ang kanyang trabaho.

Pasok na sa Myanmar SEA Games sa Disyembre si Pa­dilla pero nalalagay sa balag ng alanganin ang target na ika-18 taon ng paglalaro sa SEA Games dahil inalis ng host ang rapid fire pistol event sa shooting.

Ang manalo sa AYG dahil ito ay isang qualifying event pa­ra sa 2014 Youth Olympics Games.

vuukle comment

AGOSTO

ASIAN YOUTH GAMES

DISYEMBRE

NATIONAL YOUTH DEVELOPMENT PROG

PADILLA

PHILIPPINE NATIONAL SHOOTING AS

SHY

YOUTH OLYMPICS GAMES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with