Sa pagpondo sa continental cycling team na lalahok sa mga UCI events: MVP, Araneta nagsanib puwersa
MANILA, Philippines - Magtatambal ang MVP Sports Foundation sa pangunguna ni Manny V. PaÂngilinan at LBC Express, Inc. sa pamumuno ni Fernando Araneta sa pagpondo ng continental cycling team na lalaro sa mga UCI events.
Ang aksyon ay ginawa matapos bigyan ng pagkilala ng UCI ang under-23 team na nakilala bilang PLDT-Spyder, bilang continental team ng Pilipinas.
Ang mga kasapi ng koponan ay sina Ronald Oranza, pumangatlo sa individual category, Rustom Lim, El Joshua Carino, Jemico Brioso, Elmer Navarrio, Denver Casayuran, Francis Ramos at John Rene Mier na mga siklistang edad 23-anyos pababa.
Ang koponan ay hawak ni American coach Chris Allison at tumapos din ang koponan sa ikatlong puwesto.
Makikilala ang koponan bilang LBC-MVPSF Pilipinas at nakatakdang luÂmahok sa bikathon sa ibang bansa tulad ng Jelajah Malaysia race, Tour of Thailand, Tour of East Java sa Indonesia, Tour of Brunei at sa Asian Cycling Championships sa India.
“We are happy to announce that team LBC-MVPSF Pilipinas has secured its UCI continental status to represent the Philippines in UCI-sanctioned events. The challenge is to prove that we belong with the best in Asia and win in this region before we move on to the world stage,†wika ni Araneta.
Bagamat solido ang kasapi ng koponan, sinabi naman ni Allison na maghahanap pa sila ng mga bata at mahuhusay na siklista na sumali sa nagdaang Ronda para palakihin ang bilang ng siklistang puwedeng asahan kapag ang koponan ay lumabas na ng bansa.
Ang end-result ng pagkampanya sa labas ng bansa ay ang makita ang isang Pinoy rider na makapasok sa de-kalibreng pakarera sa mundo tulad ng Tour de France.
- Latest