^

PSN Palaro

Lady Stags kakasa sa Altas sa NCAA volley finals

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinataob ng multi-titled San Sebastian ang Arellano University, 25-15, 25-27, 28-26, 25-22, upang angkinin ang ikalawang puwesto sa finals ng NCAA women’s volleyball  na nagdaos ng laro  kahapon sa The Arena sa San Juan City.

May 31 puntos si Gretchel Soltones na  lahat ay nanggaling sa kills habang si Jolina Labiano ay naghatid ng 19 sa kabuuang 20 puntos sa spikes upang tulungan ang Lady Stags na tapusin ang semifinals sa ikalawang puwesto tangan ang 2-1 baraha.

Sila ang makakaharap ng nagdedepensang kampeon na Perpetual Help sa best-of-three finals na sisimulan bukas.

Ang Perpetual Help at Emilio Aguinaldo College ang magtutuos sa titulo sa kalalakihan.

Tinalo ng Altas ang San Beda, 25-19, 25-13, 21-25, 25-21, tungo sa 3-0 sweep sa round-robin semis.

Minalas naman na n  a­talo ang Generals sa kamay ng Lyceum, 24-26, 25-23, 25-19,17-25, 15-12.

 

ANG PERPETUAL HELP

ARELLANO UNIVERSITY

EMILIO AGUINALDO COLLEGE

GRETCHEL SOLTONES

JOLINA LABIANO

LADY STAGS

PERPETUAL HELP

SAN BEDA

SAN JUAN CITY

SAN SEBASTIAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
14 hours ago
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with