PRISAA National Games handa na sa Pangasinan
LINGAYEN, PangasiÂnan, Philippines --Ipagdiriwang ng PRISAA (Private Schools Athletic Association) ang kanilang pang 60 anibersaryo sa pamamagitan ng pagdaraos ng 2013 NatioÂnal Collegiate Games sa Pebrero 10-16 dito at sa Dagupan City.
“This is going to be the best and the biggest PRISAA competition since its founding in 1953,†sabi ni PRISAA National Chairman Dr. Emmanuel Y. AngeÂles.
Si Atty. Felipe L. Gozon, ang chairman, president at CEO ng GMA na siyang gagawa ng official coveÂrage ng week-long sportsfest, ang magiging guest of honor at main speaker sa anniversary program sa Pebrero 10 sa Sison Auditorium ng Capitol Complex.
Ibabahagi naman ni Dr. Angeles ang Jubilee Awards sa mga PRISAA members.
Inorganisa ang PRISAA noong Pebrero 17, 1953 mula sa inisyatibo ni dating Private Schools director Dr. Manuel Carreon.
Ang unang PRISAA meet ay idinaos sa Rizal Memorial Sports Complex noong Marso 8-10, 1953 tampok ang mga atletang sumabak sa mga sports events na kinikilala ng Southeast Asian Games at ng International Olympic Committee kagaya ng basketball, cycling, football, gymnastics, swimming, chess, lawn tennis, table tennis, volleyball at track and field.
- Latest