Kung ‘di puwede si Rigondeaux... Donaire ikakasa ni Arum kay Darchinyan
MANILA, Philippines - Kung hindi niya maitatakda ang unification fight nina unified world super bantamweight champion Nonito ‘The Filipino Flash’ Donaire, Jr. at Cuban titlist Guillermo Rigondeaux ay lalapitan ni Bob Arum si Vic Darchinyan.
Ang 37-anyos na si DarÂÂchinyan (38-5-1, 27 KOs) ang inagawan ni Donaire ng IBF at IBO flyweight titles via fifth-round KO noong Hulyo ng 2007.
Sinabi kahapon ni Arum ng Top Rank Promotions na wala siyang planong makipag-usap sa promoter ni Rigondeaux na Caribe Promotions.
Kamakalawa ay sinabi ni Rigondeaux na hindi muna niya pipirmahan ang fight contract na ipinadala ng Top Rank para sagupain si Donaire, ang kasalukuÂyang World Boxing Organization at International Boxing Federation super bantam champion, hanggat hindi nareresolba ang kanilang isyu sa Caribe.
“It’s craziness. If he doesn’t straighten out, we’ll go to Darchinyan,†babala ni Arum kay Rigondeuax, ang World Boxing Association super bantamweight ruler. “Caribe is trying to use the kid to put muscle on us to settle a lawsuit that we feel has no value.â€
Noong Agosto ng 20Â12 ay nagsampa ang Black, Srebnick, Kornspan & Stumpf, kumakatawan kay Boris Arencibia, may-ari ng Caribe Promotions, ng kaso laban kay Rigondeaux at sa Top Rank.
Kasalukuyang nakabinÂbin ang nasabing kaso sa Miami-Dade County courthouse sa Florida.
Si Rigondeaux (11-0, 8 KOs) ay pinapirma ng Top Rank sa isang two-year contract noong 2010 kung saan tumatayong co-promoter ang Caribe Promotions bago naitsapuwera sa bagong nilagdaang termino ng Cuban fighter.
Nauna nang tinanggihan ng Top Rank ang laban ni Donaire (31-1-0, 20 KOs) kay World Boxing Council king Abner Mares (25-0-1, 13 KOs) na nasa bakuran ng Golden Boy Promotions.
- Latest