^

PSN Palaro

Pistons naisahan ng Lakers

Pilipino Star Ngayon

AUBURN HILLS, Mich.--Naimintis ng isa sa pinakamagaling na free throw shooter sa NBA history ang dalawa niyang charities sa huling 1.2 segundo at nagkaroon ang Detroit Pistons ng tsansa para sa isang game-winning shot.

Inihagis ni Kyle Singler ang bola sa ere para sa isang slam dunk ni rookie Andre Drummond laban kay Pau Gasol.

Ngunit nadepensahan ito ni Gasol para tulungan ang Los Angeles Lakers sa 98-97 panalo laban sa Detroit Pistons.

Tumalbog ang dalawang free throws ni Steve Nash, isang 90.4 percent foul shooter sa kanyang NBA career, sa huling 2.7 segundo sa laro para sa Lakers.

Humakot si  Gasol ng 23 points at 10 rebounds para sa Lakers at hinarang ang alley-oop dunk ni Drummond.

Sinayang ng Lakers ang itinayo nilang 18-point lead sa third quarter ngunit nakamit pa rin ang kanilang pang limang panalo sa huli nilang anim na laro.

Ito ang ikalawang su­nod na panalo ng Los Ange­les sapul nang mawala si Dwight Howard. Muling naupo ang All-Star center dahil sa kanyang right shoulder injury.

Ang driving three-point play ni Kobe Bryant sa hu­ling 1:09 sa fourth quarter ang nagbigay sa Lakers ng 98-95 kalamangan at nalampasan ang apat na mintis nilang free throws sa huling 16.8 segundo.

 

DETROIT PISTONS

DRUMMOND

DWIGHT HOWARD

GASOL

KOBE BRYANT

KYLE SINGLER

LOS ANGE

LOS ANGELES LAKERS

PAU GASOL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with