^

PSN Palaro

Mahuhusay na motocross riders magpapasiklaban

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkakasukatan uli ang mga mahuhusay na motorcycle riders sa Peb­rero 10 sa pagsisimula ng National Motocross Development Program na handog ng NAMSSA sa Speedworld MX Circuit sa SM Bicutan, Parañaque City.

Paglalabanan ng mga sasali ang 15 championship events at kasama sa lalahok ay ang mga riders na bubuo sa Philippine Motocross Team na maglalaro sa 2013 FIM Asia Motocross Supercross Championship na gagawin sa Puerto Prin­cesa City sa Marso 21-24.

Ang NAMSSA ang kinikilala ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission  na siyang mangangasiwa sa motorcycle sports at ang asosasyon ay kasapi rin ng Federation Internationale de Motocyclisme, na world body sa motorcycle sports.

Matapos ang karerang ito, sunod na gagawin ay ang 2013 Repsol Road Racing Championship (National Street Race Development Program) sa Parang, Marikina City sa Pebrero 17.

Ang registration sa karera sa SM Bicutan ay gagawin mula alas-7 ng umaga bago sundan ng practice sessions at rider’s briefing.

Ang tagisan ay gagawin mula alas-10 ng umaga hanggang alas-4:30 ng hapon at ang awarding ceremony ay isusunod matapos ang karera.

ASIA MOTOCROSS SUPERCROSS CHAMPIONSHIP

BICUTAN

FEDERATION INTERNATIONALE

MARIKINA CITY

NATIONAL MOTOCROSS DEVELOPMENT PROGRAM

NATIONAL STREET RACE DEVELOPMENT PROGRAM

PHILIPPINE MOTOCROSS TEAM

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with