^

PSN Palaro

Pacers may pinatunayan sa Heat

Pilipino Star Ngayon

INDIANAPOLIS--Pina­tunayan ng Indiana Pa­cers na hindi tsamba ang kanilang panalo laban sa Miami Heat noong nakaraang buwan.

Umiskor si David West ng 30 points, habang may 15 si Paul George para tulungan ang Pacers sa 102-89 pananaig kontra sa Heat at pagandahin ang kanilang record sa 28-19.

Bukod sa New York Knicks, tanging ang Indiana pa lamang ang ikalawang koponan na dalawang beses bumigo sa Miami nga­yong season at nakamit ang kanilang ikatlong sunod na panalo sa regular season laban sa Heat.

Tinalo ng Miami ang Indiana sa semifinal round ng nakaraang Eastern Conference patungo sa pag-angkin sa NBA crown.

Muling naglaro ang Pacers na wala si dating All-Star Danny Granger ngayong  season, bagamat umaasa silang makakabalik ang kanilang top scorer bago ang All-Star break.

Nauna nang hiniya ng Pacers ang Heat, 87-77, noong Enero.

Tumapos si LeBron James na may 28 points, 6 rebounds at 3 assists, habang may 17 points, 6 rebounds at 5 assists si Dwyane Wade.

Sa Minneapolis, humakot si Pau Gasol ng 22 points at 12 rebounds sa kanyang pagbabalik sa starting lineup, habang muntik nang makalista si Bryant ng isang triple-double sa paggiya sa Los Angeles Lakers sa 111-100 panalo laban sa Minnesota Timberwolves.

Nagtala si Bryant ng 17 points, 12 rebounds at 8 assists at may 17 points at 7 assists naman si Steve Nash para sa Lakers.

vuukle comment

ALL-STAR DANNY GRANGER

BRYANT

DAVID WEST

DWYANE WADE

EASTERN CONFERENCE

INDIANA PA

LOS ANGELES LAKERS

MIAMI HEAT

MINNESOTA TIMBERWOLVES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with