^

PSN Palaro

UFL 2 beses na mapapanood sa AKTV

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Matutuwa ang mga ma­hihilig sa laro sa United Football League (UFL) da­hil dalawang beses sa isang linggo na silang magsasaere ng mga  laro ng live sa telebisyon.

Ayon kay Sports5 ma­nager Vitto Lazatin, natuwa ang network sa magandang pagtangkilik ng mga mahihilig sa football sa nagdaang season ng UFL kaya’t nagdesisyon ang pamunuan na gawing dalawang beses kada linggo ang  live telecast na itinakda tuwing Martes at Huwebes.

“We are thrilled to feature the UFL twice a week on primetime as fans cla­mored for more live football action on AKTV. UFL is gai­ning more fans and vie­wers, as more Filipinos are beginning to embrace the appreciate the drama that is football,” wika ni Lazatin.

Mahalaga ang telebis­yon ngayong season dahil lumayo na ang pinagdarausan ng laro ng liga.

Mula sa dating Rizal Memorial Football Stadium gagawin ang mga laro sa bagong gawang McKinley Hill  Football Field sa Ta­guig.

Sampung koponan ang maglalaban-laban sa Division I sa pangunguna ng nagdedepensang Global FC.  Pinapaboran uli ang Global FC na makapagdomina sa liga dahil nasa koponan pa rin ang mga national players Carli de Murga, Dennis Wolf, Demetrius Omproy at Misagh Bahadoran at hahawakan ng bagong mentor na si Brian Reid mula Scotland.

vuukle comment

BRIAN REID

DEMETRIUS OMPROY

DENNIS WOLF

DIVISION I

FOOTBALL FIELD

MISAGH BAHADORAN

RIZAL MEMORIAL FOOTBALL STADIUM

SHY

UNITED FOOTBALL LEAGUE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with