4th Asean Basketball League San Miguel Beermen reresbak sa Saigon Heat
MANILA, Philippines - Magarbong unang laro sa home court ang nais na makamtan ng San Miguel Beermen sa pagharap sa Saigon Heat sa 4th ASEAN Basketball League (ABL) ngayon sa Ynares Sports Arena sa Pasig City.
Inaasahang naroroon ang mga panatiko ng Beermen upang suportahan ang laro laban sa Heat na itinakda sa alas-5 ng hapon.
Ito ang ikalawang sunod na pagkikita ng dalawang koponan at hanap ng home team na maibaon sa limot ang 79-82 pagkatalo na naipalasap sa kanila ng Heat noong nakaraang Sabado sa Vietnam.
May 3-1 karta ang bisitang koponan, kasama ang tatlong sunod na panalo, kaya’t nananalig si coach Leo Austria na patuloy na magpapakita ng magandang pagtutulungan ang kanyang koponan.
“Ito ang unang home game namin kaya pagsusumikapan namin na maipanalo ito,†wika ni Austria na may 1-1 karta.
Sina imports Gabe FreeÂman at Brian Williams ang mangunguna sa Beermen habang ang suporta ay magmumula kina Chris Banchero, Asi Taulava at Eric Menk.
Pero dapat na manumbalik ang shooting ni Leo Avenido na nalimitahan sa 3 of 10 shooting sa Vietnam tungo sa 6 na puntos lamang.
Dapat ding paigtingin ang depensa ng Beermen laban sa tatlong bigating manlalaro ng Heat na sina Dior Lowhorn, David PalÂmer at Jai Reyes na sa unang pagtutuos ay nagsanib sa 72 puntos.
Ang labanan ay mapaÂpanood ng live sa FoxSports at may replay sa alas-8 ng gabi.
- Latest