^

PSN Palaro

Over ang Burma

AMBETHABOL - Beth Repizo Meraña - Pilipino Star Ngayon

Wala pa mang isang atleta na nagkokompetisyon sa Myanmar, Burma para sa Southeast  Asian  Games, eto sangkaterba na ang pagpuna sa host country.

Nagagalit at nalilito na ang lahat ng miyembro ng SEA Games, kasama na ang Pilipinas, dahil sa  mga sports na paglalabanan dito. Kamakailan ay nagpadala ng listahan ang Burma na pinalitan ang mga Olympic sports sa tradisyunal na Burmese games.

Kabilang sa mga pinalitan na sports ay ang water polo, badminton, gymnastics, tennis, beach volleyball  at table tennis. At ang ipinalit ay ang kempo, tarung derajat, vovinam at chinlone (cane ball) na hindi naman pamilyar ang karamihan sa mga bansang kalahok. 

Ang table tennis at gymnastics ay nilalaro na sa SEAG noon pang 1950s, habang malalakas naman ang Indonesia at Singapore sa tennis at gymnastics.

Ang beach volleyball naman ay tinanggal dahil hin­di angkop ang kasuotan ng mga atletang lalaro rito sa kultura ng Burma.

Nagpahayag na ng disgusto ang ilang opisyal ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission na nagbanta na magpapadala na lamang ng token delegation.  Ibig sabihin mas kaunti kaysa sa  dating nakagawian o kaya ay mga opisyal  lamang ang posibleng ipadala dito.

Siyempre pa sa mga sports na ito tiyak na ang mag­­wawagi lamang ay ang Burma.  Kaya nga  lamang para namang sumobra ang Burma sa pribelehiyong ibinigay sa kanila para lamang matiyak na mananalo ang kanilang mga atleta.

Batay sa SEAG regulation, maaari lamang magka­roon ng walong tradisyunal na sports. Pero ang Bur­ma ay 14 na ang inilagay at ang karamihan dito ay  tradisyu­nal nilang martial arts.

Sa SEA Games, ang host country ay may kara­pa­tan na pumili kung ano ang mga games na paglalabanan. 

Bagama’t magkakaroon pa ng mga pagpupulong, nagpahayag na ang Myanmar na pananatilihin ang kagustuhan nila na ilagay sa listahan ng kompetisyon ang kanilang tradisyunal na laro.

Kunsabagay sila nga naman ang gagastos kaya’t susulitin na ng Burma, pero medyo pakiramdam nga lang ng ibang bansang kalahok na inabuso ng Burma ang bagay na ito. Asahan na natin na marami sa mga bansang kalahok ang magsusumite ng kanilang reklamo bago pa man magsimula ang laro sa Dec. 11.

 

vuukle comment

ASAHAN

BAGAMA

BURMA

MYANMAR

PHILIPPINE OLYMPIC COMMITTEE

PHILIPPINE SPORTS COMMISSION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with