^

PSN Palaro

Puwesto sa Nat’l team pakay ng top jins sa SMART CPJ tourney

MANILA, Philippines -  Puwesto para sa Pambansang koponan na magla­laro sa mga nakalinyang international events ang pag­lalabanan ng mga bigating taekwondo jins sa paglarga ng SMART CPJ (Carlos Palanca Jr.) Taekwondo cham­pionships mula Pebrero 2 at 3 sa Ninoy Aquino Stadium.

Kasali sa torneo ang mga national team players sa pa­ngunguna nina John Paul Lizardo at Kirstie Elaine Alora na maglalaban-laban sa free sparring at poomsae sa palarong inorgansia ng Philippine Taekwondo Association (PTA) at suportado ng PSC, POC, SMART Communications, MVP Sports Foundation, PLDT, Meralco, TV5 at Milo.

Tinatayang nasa 800 jins ang kasalo at sa taong ito ay magkakaroon ng bagong division na tatawaging Cadet para sa 12 hanggang 14-anyos na manlalaro sa sparring.

Ang aksyon sa poomsae ay hahatiin naman sa tatlong dibisyon na individual, team at mixed pair at  may 13 kategorya na cadet (12-14), junior (15-17), 1st senior A (13-18), 1st senior B (24-29), 2nd senior (30-39), Master (40 and above), Cadet pair, junior pair, senior pair, Cadet team, junior team, 1st team at second team.

Ang age level sa Cadet sa sparring ay inilagay sa 18 and above sa senior, 15 to 17 sa junior at 11 and below sa grade school. Ang aksyon ay sisimulan sa alas-9.

 

CARLOS PALANCA JR.

JOHN PAUL LIZARDO

KASALI

KIRSTIE ELAINE ALORA

MERALCO

NINOY AQUINO STADIUM

PAMBANSANG

PHILIPPINE TAEKWONDO ASSOCIATION

SPORTS FOUNDATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with