So balik uli sa liderato
Tagaytay City, Philippines --Muling nakamit ni Filipino Grandmaster WesÂley So ang overall lead matapos ang seventh round ng Asian Zone 3.3 Chess ChamÂpionship.
Tinalo ng 19-anyos na si So si IM Nguyen Duc Hoa ng Vietnam dito sa Tagaytay International Convention Center.
Itinaas ni So, may Elo rating na 2682, ang kanyang record sa 6.0 points.
Nauwi naman sa draw ang laro ng dati niyang kaÂsalo sa liderato na si second seed GM Nguyen Ngoc Truong Son ng Vietnam kay 12-time national open champion GM Rogelio ‘Joey’ Antonio Jr., para sa 5.5 points nito sa torneong may nakatayang dalawang tiket para sa World Chess Cup sa Tromso, Norway.
Nanalo naman si GM Cao Sang ng Vietnam kay IM Bayarsaikhan Gundavaa ng Mongolia para umakyat sa 3rd hanggang 4th places kasama si Antonio mula sa magkatulad nilang 5.0 points.
Nasa fifth hanggang eighth places sa magkapareho nilang 4.5 points sina defending champion GM Susanto Megaranto ng Indonesia, GM Mark Paragua, GM John Paul Gomez at GM Darwin Laylo.
- Latest
- Trending