Big Chill puntirya ang twice-to-beat vs Cafe France

MANILA, Philippines -  Matapos matanggal sa laban para sa awtomati­kong puwesto sa semifinals, pagsisikapan ngayon ng Big Chill na makuha ang isa sa dalawang twice-to-beat advantage sa quarterfinals sa pagharap sa Café France sa PBA D-League Aspirants’ Cup sa San Juan Arena.

Dalawang sunod na talo ang nalasap ng Super Chargers upang bumigay sa tagisan para sa ikalawang puwesto na nakuha na ng Blackwater Sports.

Inaasahang magigising ang tropa ni coach Robert Sison sa laro laban sa Ba­kers sa ganap na alas-2 ng hapon para gumanda pa ang tsansa na makaabante sa Final Four.

“Mahalaga itong laro na ito dahil ito ang magdede­termina kung hanggang saan kami aabot sa conference na ito,” wika ni Big Chill coach Robert Sison.

Kasalukuyang katabla ng Super Chargers ang Jose Rizal University sa ma­halagang ikaapat na puwesto sa 5-4 baraha habang isang larong napag-iiwanan ang Café France, Fruitas Boracay Rum at Cebuana Lhuillier sa 4-5 baraha.

Ang Shakers at Waves ay magtutuos sa  tampok na laro dakong alas-4 ng hapon at ang mananalo ay mananatiling humihinga pa,  habang mamamaalam na ang matatalo.

Tatlong sunod na talo matapos patikimin ang NLEX ng kauna-unahang pagkatalo ang nangyari sa Bakers kaya’t makaaasang kakamada nang husto ang tropa ni coach Edgar Maca­raya para makaiwas sa maagang bakasyon.

 

Show comments