MANILA, Philippines - Hindi lamang talento kundi puso na katawanin ang Pilipinas ang dapat bitbit ng mga mapipiling manlaÂlaro na ilalaban sa FIBA-Asia Men’s Championship na gagawin mula Agosto 1 hanggang 11.
Ito ang pangunahing sanÂdata ng mga dating NaÂtional players lalo na ang mga nakasama sa 19Â73 ABC Championship na siyang huling ABC na ngayon ay kilala na bilang FIBA-Asia na ginawa sa bansa.
“Noon kasi, iba ang nasa isipan ng mga players, ang pagsilbihan at bigyan ng kaÂrangalan ang Red, White and Blue (bandila). MapaÂsama ka lang ay karangalan na sa isang manlalaro,†wika ni Rosario “Yoyong†Martirez na napabilang sa nasabing koponan.
Si Martirez ngayon ay Vice Mayor sa Pasig City at maihahanay sa ilang basÂketbolista ng bansa na nakapaglaro sa ABC (FIBA-Asia), Asian Games, World Championship at Olympics.
Naniniwala pa rin si Martirez na kaya pa rin ng Pinoy na makipagsabayan sa ibang bigating bansa ngayon kung talento ang pag-uusapan.
Ngunit nadadale ang bansa sa kalulangan ng preparasyon at puso.
“Hindi na talaga uubra ang kakulangan ng preparasyon dapat tatlong buwan naka-quarters na ang mapipiling players. Magsakripisyo na muna tayo sa pamilya dahil minsan lang gawin sa ating bansa ang ganitong torneo,†ani Martirez.