^

PSN Palaro

Puso, bukod sa talento, susi sa panalo sa FIBA Asia - Martirez

ATan -

MANILA, Philippines -  Hindi lamang talento kundi puso na katawanin ang Pilipinas ang dapat bitbit ng mga mapipiling manla­laro na ilalaban sa FIBA-Asia Men’s Championship na gagawin mula Agosto 1 hanggang 11.

Ito ang pangunahing san­data ng mga dating Na­tional players lalo na ang mga nakasama sa 19­73 ABC Championship na siyang huling ABC na ngayon ay kilala na bilang FIBA-Asia na ginawa sa bansa.

“Noon kasi, iba ang nasa isipan ng mga players, ang pagsilbihan at bigyan ng ka­rangalan ang Red, White and Blue (bandila). Mapa­sama ka lang ay karangalan na sa isang manlalaro,” wika ni Rosario “Yoyong” Martirez na napabilang sa nasabing koponan.

Si Martirez ngayon ay Vice Mayor sa Pasig City at maihahanay sa ilang bas­ketbolista ng bansa na  nakapaglaro sa ABC (FIBA-Asia), Asian Games, World Championship at Olympics.

Naniniwala pa rin si Martirez na kaya pa rin ng Pinoy na makipagsabayan sa ibang bigating bansa ngayon kung talento ang pag-uusapan.

Ngunit nadadale ang bansa sa kalulangan ng preparasyon at puso.

“Hindi na talaga uubra ang kakulangan ng preparasyon dapat tatlong buwan naka-quarters na ang mapipiling players. Magsakripisyo na muna tayo sa pamilya dahil minsan lang gawin sa ating bansa ang ganitong torneo,” ani Martirez.

vuukle comment

ASIA MEN

ASIAN GAMES

MARTIREZ

PASIG CITY

SHY

SI MARTIREZ

VICE MAYOR

WHITE AND BLUE

WORLD CHAMPIONSHIP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with