^

PSN Palaro

Oranza kumalas na kay Barnachea, si Oconer naman ang bida

SOLANO, Nueva Viz­caya, Philippines --Winakasan ni George Oconer ang halos dalawang taon na walang lap win nang mapagharian ang 204.4-km Stage 13 na sinimulan sa Tuguegarao, Cagayan hanggang Solano, Nueva Vizcaya kahapon dito.

Kumaripas sa pagpedal si Oconer ng Navy-Standard sa huling 50-metro para maunahan sa meta si Junrey Navarro ng Minda­nao-Cycle Line.

“Matagal-tagal din ako naghintay para manalo uli kaya masaya ako at naka­kuha uli ng lap,” wika ni Oconer na tulad ni Navarro ay naorasan ng apat na oras, 26 minuto at 45 segundo.

Nanatili naman sa over­all si Ronald Oranza ng PLDT-Spyder nang naka­sama ang iba pang bigating siklista na sama-samang tumawid sa meta bilang ikatlong grupo.

May kabuuang oras si Oranza na 47:20:14 upang iwanan ang mga naghaha­bol na sina Santy Barnachea ng Navy-Standard, Irish Valenzuela ng LPGMA-Americn Vinyl at Ronald Go­rantes ng Roadbike Phls sa 47:20:17, 47:20:47 at 47:21:25, ayon sa pagkakasunod.

Nakinabang naman ang Navy-Standard sa lakas ni Oconer dahil naagaw nila ang liderato sa team event sa PLDT-Spyder sa ka­bu­uang oras na 138:46:19.

Kapos ng 11 segundo ang dating lider sa 138:46:31 habang ang Roadbike Phl ang nasa ikatlo sa 138:51:49.

Ang iba pang puma­sok sa top 10 ay ang LP­G­MA-American Vinyl (138:59.17), Y101 FM-Cebu (139:05.57), Team Tarlac (139:11.43), VMobile-Smart (139:12.09), Mindanao-Cycleline Butuan (139:22.14), Hundred Islands-Pangasinan (139:58.18), Team Enrile (139:59.10), NCR-San Miguel (140:21.53) at Ilocos Sur-East Pangasinan (140:58.23).

Naaksidente naman si Jan Paul Morales ng Navy-Standard nang nahulog sa kanal sa pababang bahagi halos 20-kilometro bago ang finish line.  Siya ay dinala sa ospital para lapatan ng lunas.

Pahinga ang karera ngayon para makapag-ipon ng lakas ang mga siklista sa pagharap sa pinakamahirap na ruta na 133.5-km Ba­yombong hanggang Baguio Stage 14 sa Miyerkules.

vuukle comment

AMERICAN VINYL

AMERICN VINYL

BAGUIO STAGE

CYCLE LINE

GEORGE OCONER

HUNDRED ISLANDS-PANGASINAN

NAVY-STANDARD

OCONER

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with