MANILA, Philippines - Isang beteranong koponan ang ibabandera ng host Pilipinas sa pagharap sa unang pagkakataon sa Syria sa pagbubukas ng 2013 Asia-Oceania Zone Group II Davis Cup opening round sa Plantation Bay, Cebu sa Pebrero 1-3.
Ang mga Fil-Ams na sina Ruben Gonzales at Treat Huey ang mangunguna sa koponan at isinama sa talaan ang beteranong sina Johnny Arcilla at Elbert Anasta.
Si Arcilla, magdiriwang ng kanyang ika-33 kaaraÂwan sa Pebrero 15, ay babalik matapos lumiban sa koponang inilaban sa Indonesia sa finals noong nakaraang taon kung saan ito natalo, 3-2, upang manatili sa Group B.
Sina Jeson Patrombon at Francis Alcantara ang naÂkasama nina Gonzales at Huey sa koponan.
Sa kabilang banda, ang 31-anyos na si Anasta ay magÂlalaro lamang sa ikalawang pagkakataon matapos isaÂlang noong 2009 laban sa New Zealand. Luhaan ang Pilipinas sa 1-4 iskor na ginawa sa PCA Indoor Courts.
Ang Syria ay nakapasok sa grupo matapos manalo sa Group III noong 2012.
Ibabandera ang koponan nina Issam Tawil, Marc AbÂdelnour, Majdi Salim at Yacoub Makzoume.
Ang mga pambato ay sina Tawil at Abdelnoour na may singles rankings na 926 at 966.
Tiyak naman na sina Gonzales (825) at Huey (1089) ang ibababad nang husto sa laban para makuha ang 1-0 kalamangan sa kanilang head-to-head.
Ang mananalo sa tie na ito ay aabante sa second round laban sa magwawagi sa Thailand at Kuwait na gaÂgawin sa Abril 5-7.