^

PSN Palaro

Laban sa Syria sa Pebrero 1-3 sa Cebu City Veteran team isasalang sa Davis Cup

ATan -

MANILA, Philippines - Isang beteranong koponan ang ibabandera ng host Pilipinas sa pagharap sa unang pagkakataon sa Syria sa pagbubukas ng 2013 Asia-Oceania Zone Group II  Davis Cup opening round sa Plantation Bay, Cebu sa Pebrero 1-3.

Ang mga Fil-Ams na sina Ruben Gonzales at Treat Huey ang mangunguna sa koponan at isinama sa talaan ang beteranong sina Johnny Arcilla at Elbert Anasta.

Si Arcilla, magdiriwang ng kanyang ika-33 kaara­wan sa Pebrero 15, ay babalik matapos lumiban sa koponang inilaban sa Indonesia sa finals noong nakaraang taon  kung saan ito natalo, 3-2, upang manatili sa Group B.

Sina Jeson Patrombon at Francis Alcantara ang na­kasama nina Gonzales at Huey sa koponan.

Sa kabilang banda, ang 31-anyos na si Anasta  ay mag­lalaro lamang sa ikalawang pagkakataon matapos isa­lang noong 2009 laban sa New Zealand. Luhaan ang Pilipinas sa 1-4 iskor na ginawa sa PCA Indoor Courts.

Ang Syria ay nakapasok sa grupo matapos manalo sa Group III noong 2012.

Ibabandera ang koponan nina Issam Tawil, Marc Ab­delnour, Majdi Salim at Yacoub Makzoume.

Ang mga pambato ay sina Tawil at Abdelnoour na may singles rankings na 926 at 966.

Tiyak naman na  sina Gonzales (825) at Huey (1089) ang ibababad nang husto sa laban para makuha ang 1-0 kalamangan sa kanilang head-to-head.

Ang mananalo sa tie na ito ay aabante sa second round laban sa magwawagi sa Thailand at Kuwait na ga­gawin sa Abril 5-7.

 

ANG SYRIA

ASIA-OCEANIA ZONE GROUP

DAVIS CUP

ELBERT ANASTA

FRANCIS ALCANTARA

GONZALES

GROUP B

HUEY

INDOOR COURTS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with