^

PSN Palaro

Hualda kinuha ang stage 11, Oranza muling inagaw ang liderato

Pilipino Star Ngayon

APARRI, Cagayan Province, Philippines--Nawala at mu­ling nabawi ni Ro­nald Oranza ang overall individual lead matapos malampasan ang paghahamon ni Navy-Standard rider Santy Barnachea kasabay ng pagtulong sa kanyang PLDT-Spyder team na makabalik sa unahan sa 171.4-km Stage 11 ng Ronda Pilipinas  2013 na nagsimula sa Pagudpud at natapos dito.

Naiwanan ng 50 segundo ang 20-anyos na si Oranza sa likod ni lap winner Ronnel Hualda ng Roadbike Phl ngunit patuloy pa ring isusuot ang LBC red jersey dahil na rin sa kanyang aggregate cloc­king na 40 hours, 18 minutes and 31 seconds.

“I was ready to relinquish it because our main concern is the team race,” sabi ni Oranza, tubong Villasis, Pangasinan na inagaw ang pamumuno kay LPGMA-American Vinyl’s Irish Valenzuela sa Vigan-Laoag Stage 11 Team Time Trial.

Inungusan naman ng PLDT-Spyder ang dating lider na Navy-Standard sa kanilang total time na 117:42.48 na 37 segundo ang kalamangan kontra sa 117:43.24 ng huli.

Pangatlo ang Roadbike Phl na may oras na 117:48.16.

“We were ready to give up on the red jersey for now because we were more concerned and worried about the team race and our energy going into the key stages,” wika ni PLDT-Spyder’s American Chris Allison, ginagabayan din ang LBC Express, Inc.-backed under-23 team.

Halos nakamit na ng 36-anyos na si Barnachea ang unahan matapos banderahan ang lead pack na nakawala sa Claveria at iniwanan ng dalawang minuto si Oranza.

Ngunit kumulapso ang pambato ng Uminggan, Pangasinan, dalawang beses na nagkampeon sa Tour noong 2002 at 2006, para tumapos na pang- lima sa kanyang oras na 4:07.16.

Mula sa No. 3 ay umakyat si Barnachea sa No. 2 mula sa kanyang 40:18.42.tiyempo.

Ang iba pang siklista na pumasok sa top 10 ay sina Roadbike’s Ro­nald Gorantes (40:19.58), PLDT-Spyder’s El Joshua Carino (40:24.09), Joven (40:24.22), Roadbike’s Mark Galedo (40:32.07), VMobile-Smart’s Joel Calderon (40:32.43), Team Tarlac’s Tomas Martinez (40:33.08) at Navy-Standard’s George Oconer (40:33.26).

AMERICAN CHRIS ALLISON

AMERICAN VINYL

BARNACHEA

EL JOSHUA CARINO

GEORGE OCONER

NAVY-STANDARD

ORANZA

ROADBIKE PHL

SPYDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with