^

PSN Palaro

Tayabas, Zambales boxers nanalasa agad

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umani ng dalawang panalo ang boksingero mula Tayabas pero hindi nagpahuli ang mga boxers ng host sa pagbubukas kahapon ng PLDT-ABAP National Capital Region-Luzon Area tournament sa Capitol grounds ng Iba, Zambales.

Si Aldrin Signar ay umukit ng 17-7 panalo laban kay Eljay Taparo ng Kabaka Manila sa 46-kg. junior boys pinweight division habang si Richard Agora ay naglista ng second round RSC panalo kay John Paul Bermudez ng Tarlac sa 46kg Youth Boys pinweight division.

Tumugon naman sina Reynard Sitenta at Jess Ganayan nang magtala ng panalo.

Kumakampanya sa 49kg Youth light flyweight, si Sitenta ng Zambales ay nanaig kay Jerome Pacun ng Urdaneta sa pamamagitan ng first round retirement habang si Ganayan ng Iba ay may first round RSC panalo kay Kevin Puzon ng La Union sa 53kg. Youth boys flyweight division.

ELJAY TAPARO

JEROME PACUN

JESS GANAYAN

JOHN PAUL BERMUDEZ

KABAKA MANILA

KEVIN PUZON

LA UNION

NATIONAL CAPITAL REGION-LUZON AREA

REYNARD SITENTA

RICHARD AGORA

SI ALDRIN SIGNAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with