^

PSN Palaro

Rising Sun, Elite maglalaglagan

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(Trinity University

 of Asia Gym)

2 p.m. Cebuana Lhuillier

vs Informatics

4 p.m. Blackwater Sports vs Cagayan Valley

 

MANILA, Philippines - Paglalabanan ng Black­water Sports at Cagayan Valley Rising Sun ang ika­lawang puwesto sa pagbabalik-laro ng PBA D-League Aspirants’ Cup sa Trinity University of Asia Gym ngayong hapon.

Mainitan ang larong matutunghayan na magsisimula sa alas-4 ng hapon dahil ang mananalo ang siyang makakasama ng pahingang NLEX Road Warriors na aabante diretso sa semifinals.

Unang magtutuos ang Cebuana Lhuilliler Gems at Informatics Icons sa alas-2 ng hapon at ang una ay nahaharap sa must-win upang manatiling buhay ang paghahangad na ma­kaabante sa quarterfinals.

May 3-5 karta lamang ang Gems at natalo sila sa tatlo sa huling apat na laro. Bunga nito, dapat nilang walisin ang nalala­bing dalawang laro para makahabol sa apat na koponan na magtatagisan sa quarterfinals.

Ang Rising Suns ay may dalawang dikit na panalo sa Big Chill at Fruitas na kung saan ang winning margin ng dalawang laro ay nasa 16 puntos.

Si Eliud Poligrates na nag-average ng 23 puntos sa huling dalawang panalo ang aasahan sa opensa para tumibay ang paghahabol ng koponan sa kauna-unahang titulo matapos ang dalawang conference.

Bago ang larong ito, ang Elite ay nanalo muna sa Gems, 91-80, at Café France,  81-58.

vuukle comment

ANG RISING SUNS

ASIA GYM

BIG CHILL

BLACKWATER SPORTS

CAGAYAN VALLEY

CAGAYAN VALLEY RISING SUN

CEBUANA LHUILLIER

CEBUANA LHUILLILER GEMS

D-LEAGUE ASPIRANTS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with