^

PSN Palaro

Lim sa Stage 8; Valenzuela pa rin sa overall

Pilipino Star Ngayon

ALAMINOS, Pangasi­nan, Philippines--Inangkin nina Rustom Lim at Mark Julius Bonzo ng PLDT-Spyder ang unang dalawang puwesto sa pagtatapos ng Stage 8 na 183.4-km mula Olongapo na nagtapos dito kahapon.

Ang 19-anyos na si Lim ay humataw pagpasok sa huling 40-kilometro ng k­arera para iwanan ang kakamping si Bonzo tungo sa kanyang unang panalo sa Ronda Pilipinas.

“Hindi ko expected na mananalo pero noong kuma­wala ako at walang mas­yadong sumabay, na­ramdaman kong kaya ko,” wika ni Lim na naorasan ng apat na oras, 17 minuto at 23 segundo.

Angat ang dating bron­ze medalist ng Asian Youth Championships dalawang taon na ang nakakalipas, ng  24 segundo sa 23-an­yos na si Bonzo na nakasabay tumawid sa meta si Merculio Ramos ng Team Tarlac.

“Marami akong kamag-anak na nakita kaya masaya ako at nakuha ko ang second place,” pahayag ni Bonzo na anak ni Romeo na nanalo ng Marlboro Tour noong 1983.

Nasama naman ang overall leader na si Irish Valenzuela ng LPGMA-American Vinyl sa 46-katao main peloton na tumawid sa meta sa 4:18:32 oras.

Sa kabuuan, si Valenzuela ay may 29:57:39 kabuuang  oras.

Pero nalalagay ang ha­ngaring manatili sa tuktok sa peligro dahil nakabawas na ang nasa ikalawang pu­westo ang 20-anyos na si  Ronald Oranza ng PLDT-Spyder ng 31 segundo sa kanyang 29:58:47 oras.

“Kaya ko pang makaba­was. Sa tingin ko ay mala­kas akong sprinter kaysa sa kanya,”  wika ni Oranza na siyang nanguna sa stage seven na Tarlar-Subic kahapon.

Hindi naman nagalaw ang mga siklista na nakahimpil hangang ikasiyam na puwesto matapos ang karera kahapon.

Si Cris Joven ng LPGMA-AV ang nasa ikatlo sa 30:01:38; si Ronald Go­rantes ng Roadbike Phl ang nasa ikaapat sa 30:01:51; Santy Barnachea ng Navy-Standared ang nasa ikalima sa 30:02:54; El Joshua Carino ng PLDT-Spyder nasa ikaanim sa 30:06:20; si Joel Calderon ng VMobile-Smart sa ikapito sa 30:08:13; Marvin Tapic ng Y101 FM-Cebu sa 30:11:55 at nagdedepensang kampeon Mark Galedo ng Roadbike Phl sa ikasiyam, sa 30:12:26.

vuukle comment

AMERICAN VINYL

ASIAN YOUTH CHAMPIONSHIPS

BONZO

EL JOSHUA CARINO

IRISH VALENZUELA

JOEL CALDERON

ROADBIKE PHL

SHY

SPYDER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with