^

PSN Palaro

5-team nagpalitan ng players inaprubahan ni Salud

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang multi-trade sa ha­nay ng limang koponan na kinasangkutan ng 10 pla­yers at mga panghinaharap na draft pick ang nakumpleto kahapon.

Ang Barako Bull ang siyang pinakaaktibo sa mga nagpalitang koponan nang kumuha sila ng manlalaro at ipinamigay din sa ibang koponan.

Ipinamigay ng Barako si Ronald Tubid sa Petron Blaze kapalit nina Jojo Duncil at Alex Mallari. Isinunod ng koponan ang pagpapalit kina Mallari at beteranong si Leo Najorda at rookie guard Lester Alvarez sa isang future draft pick para sa San Mig Coffee players na sina JC Intal, Jonas Villanueva at Aldrech Ramos.

Si Ramos ay ipinamigay naman sa Alaska Milk para kay Mac Baracael  na agad ding inilipat sa Barangay Ginebra para sa scorer na si Alein Maliksi.

Ang paliltan ng San Mig, Petron, Barako Bull, Ginebra at Alaska ay ginawa sa hangaring mapalakas pa ang kanilang line-up bilang paghahanda sa Commissioners Cup na katatampu-kan ng imports na may unlimited height.

Ang Mixers (dating B-Meg Llamados) na binanderahan ng masi­pag na import na si Denzel Bowles, ang siyang nagdedepensang kampeon nang ma­naig ito sa Talk ‘N Text sa 4-3 iskor sa kanilang best-of-seven series.

Nais ni San Mig Coffee coach Tim Cone na ibalik si Bowles pero naglalaro pa ito sa Chinese League kaya’t ipaparada ng koponan si Matt Rogers na darating sa Lunes.

Si Rogers ay isang 6’11 player na naglaro sa Texas Legends sa NBA D-League at naghatid ng 7.1 puntos at 4.4 rebounds kada laro. Nakapaglaro rin siya sa NBA sa Indiana Pacers sa loob ng limang laro.

Ang iba pang imports  ng koponan ay sina 6’11 Keith Benson ng Talk N’Text, 7’2 Bruno Sundov ng Rain Or Shine, 6’11 Justin Williams ng Globalport, 6’8 Renaldo Balkman ng Petron Blaze, 6’10 Herbert Hill ng Barangay Ginebra, 6’10 Michael Dunigan ng Air21, 6’9 Eric Dawson ng Meralco, 6’9 Robert Dozier ng Alaska at 6’9 Evan Brock ng Barako Bull.

Sina Benson, Sundov, Williams, Balkman, Hill at Dawson ay may mga NBA experience upang ipalagay na magiging maganda ang tagisan ng mga reinforcements sa conference na ito.

vuukle comment

ALASKA MILK

ALDRECH RAMOS

ALEIN MALIKSI

ALEX MALLARI

ANG BARAKO BULL

BARAKO BULL

BARANGAY GINEBRA

PETRON BLAZE

SAN MIG COFFEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with