^

PSN Palaro

WV diniskaril ang NL sa Shakey’s volley T-of-C: NCR-South lusot sa CL

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumangon mula sa unang set na pagkatalo ang NCR-South bago ibinulsa ang 21-25, 25-20, 25-17, tagumpay laban sa Central Luzon sa pagbubukas ng Shakey’s Girls Volleyball Tournament-of-Champions kahapon sa Ninoy Aquino Stadium.

Si Caryl Sandoval ng Angelicum College ay may anim na hits at apat na blocks para pamunuan ang impresibong laro ng  NCR-South upang umangat sa 1-0 sa Pool A sa ligang su­portado ng Shakey’s at inorganisa ng Metro Sports.

Hiniya ng Western Visa­yas ang Northern Luzon, 25-10, 25-5, at si Princess Anne Robles ng Central Philippines University at Bernadeth Pons ng Rafael Lacson Memorial High ay nagsanib sa 12 kills.

Nangunguna ang WV sa Pool B sa 10-koponang liga na may ayuda rin ng Toby’s Sports, Mikasa, Tune Hotels at Volley Prep.

Inaasahang mapapalaban ngayon ang Western Visayas dahil ang puntir­yang ikalawang panalo ay nakadepende kung ta­talunin nila ang bisitang Victoria team ng Australia ngayong alas-3 ng hapon.

Ang NCR-South ay mapapalaban sa Sou­thern Luzon sa alas-5 ng hapon sa asam na manatiling nasa liderato sa kanilang grupo.

Ang Aussie team ay napalaban kahapon sa Central Visayas at siyang inaasahang patok na magdomina sa anim na araw na liga.

vuukle comment

ANG AUSSIE

ANGELICUM COLLEGE

BERNADETH PONS

CENTRAL LUZON

CENTRAL PHILIPPINES UNIVERSITY

CENTRAL VISAYAS

GIRLS VOLLEYBALL TOURNAMENT-OF-CHAMPIONS

METRO SPORTS

NINOY AQUINO STADIUM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with