Caloy bagong coach ng Erase Xfoliant
MANILA, Philippines - Si Caloy Garcia, kasalukuyang assistant coach sa Rain or Shine team sa PBA, ang nahirang na bagong head coach ng Erase Xfoliant team sa D League.
Binigyan ng appointment ni team owner Louie Gamboa si Garcia matapos ng magsabi si coach Aric del Rosario na magpo-focus na muna siya sa training ng Perpetual Help College sa NCAA.
Natutuwa si Caloy Garcia sa bagong hamon na dumaÂting sa kanyang career.
“Masaya ko sa tiwala na ibinigay sa akin ni Boss Louie.Kahit na dalawang laro na lang ang natitira para sa Erase, I hope I can lead this team to a decent finish in this league. Nag-practice na ako kahapon, at okay naman ang adjustment ng mga players,†sabi ni Garcia.
- Latest