Gilas 2 sinibak ng Lebanon
MANILA, Philippines - Minalas na natapilok si 6’10 naturalized center Marcus Douthit sa kaagahan ng huling yugto para maÂpilay ang Gilas Pilipinas II at lumasap ng 95-65 pagÂkadurog sa kamay ng Segasse ng Lebanon sa knockout quarterfinals sa 24th Dubai International Basketball Tournament sa Al Ahli Gym sa United Arab Emirates noong Biyernes ng madaling araw.
Naghahabol lamang ng 12 puntos ang Nationals, 70-58, nang nangyari ang aksidente at agad na ginamit ng Lebanese team ang kanilang height advantage tungo sa 14-0 bomba at ibaon na ang tropa ni coach Chot Reyes.
“Sensya na mga kabaÂyan. Di talaga kaya. Natapilok pa si Marcus,†wika ni Reyes sa kanyang twitter.
May 11 puntos si Douthit habang ang 6’6 na si KG Canaleta ay humakot ng 32 puntos, kasama ang walong tres.
Ito ang ikatlong sunod na pagkatalo ng Nationals para mamaalam na sa torÂneo.
Ang torneo ay bahagi ng pagsasanay ng Gilas II para sa FIBA Asia Men’s Championship at ang preparasyon ay iinit pa kapag nakabalik na si Reyes sa bansa para makipagpulong sa SBP at PBA hinggil sa kukuning manlalaro na bubuo sa pool.
“Been planning for August since last year. But have to meet with management first pagbalik,†dagdag ni Reyes sa tweet hinggil sa plano sa koponan para sa FIBA Asia meet mula Agosto1-11.
- Latest