^

PSN Palaro

Beltran kumpiyansa rin sa Pacquiao-Marquez 5

Russell Cadayona - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kagaya ni Bob Arum ng Top Rank Promotions, kumpiyansa rin si Fernando Beltran ng Zanfer Promotions na maitatakda nila ang pang-limang paghaharap nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa Setyembre.

Sinabi ni Beltran na ma­bibigyan ng 39-anyos na si Marquez ng pagkakataon ang 34-anyos na si Pacquiao na maipaghiganti ang nangyari sa kanyang sixth-round KO loss sa kanilang ikaapat na pagtatapat noong Disyembre 8 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.

“Juan Manuel Marquez is a gentleman and we think Manny gave us the opportunity without needing to give us one and if we need to fight him, we will fight him,” wika ni Beltran.

Sa huling segundo ng sixth round ay pinatumba ni Marquez (55-6-1, 40 KOs) si Pacquiao (54-5-2, 38 KOs) patungo sa kanyang tagumpay matapos makakuha ng draw sa ka­nilang unang pagkikita no­ong Mayo ng 2004.

Sa kanilang rematch noong Marso ng 2008 ay tinalo ni Pacquiao si Marquez via split decision kasunod ang isang majority decision victory sa kanilang ikatlong paghaharap noong Nobyembre ng 2011.

Walang balak si Arum na gawin ang Pacquiao-Marquez Part 5 sa United States dahil sa malaking buwis na kinakaltas sa mga foreign boxers.

Ilan sa mga bansang tinitingnan ni Arum na maa­aring pagdausan ng natu­rang laban nina Pacquiao at Marquez ay ang Macau, Singapore at Mexico.

“We will do it in an arena similar to Las Vegas with same prices,” sabi ni Beltran. “I think the economy in Mexico is going very nice and I think a lot of people from the States will go and buy the tickets.”

Kung kukuha ng tune-up fight ang Sarangani Congressman sa Abril ay ito rin ang gagawin ng kampo ng Mexican world four-division titlist bago ang kanilang pang limang banggaan sa Setyembre.

 

vuukle comment

BELTRAN

BOB ARUM

FERNANDO BELTRAN

JUAN MANUEL MARQUEZ

LAS VEGAS

MARQUEZ

PACQUIAO

PACQUIAO-MARQUEZ PART

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with