^

PSN Palaro

Nuggets sumadsad sa Thunder

Pilipino Star Ngayon

OKLAHOMA CITY - Hindi pa nangangalahati sa first quarter, ipinakita na ni Russell Westbrook ang kanyang mga All-Star moves.

Tumikada sa free throw line, umiskor ng layup, nagsalpak ng mga mid-range jumpers, ginawa na lahat ni Westbrook at wala sa kanyang sagot ang Denver Nuggets.

Umiskor si Westbrook ng kalahati sa kanyang 32 points sa opening quarter para banderahan ang Oklahoma City Thunder sa 117-97 panalo kontra sa Nuggets.

Tinapos din ng Oklaho­ma City ang itinala ng Denver na isang six-game winning streak.

“What can you do?’’ sabi ni All-Star teammate Kevin Durant kay Westbrook.

Nauna nang umiskor si Westbrook ng season-best 36 points sa tagumpay ng Thunder laban sa Phoenix Suns noong Lunes.

Pinaupo ng Thunder ang kanilang mga star­ters matapos ang isang 25-point lead patungo sa fourth quarter.

Nanggaling naman ang Denver sa isang overtime win kontra sa Portland ngunit hindi napantayan ang tikas ng Oklahoma City.

Nagdagdag sina Durant at Kevin Martin ng tig-20 points para sa Thunder.

Kumolekta naman si Kosta Koufos ng 16 points at 9 rebounds para pangunahan ang Nuggets.

DENVER NUGGETS

KEVIN DURANT

KEVIN MARTIN

KOSTA KOUFOS

OKLAHOMA CITY

OKLAHOMA CITY THUNDER

PHOENIX SUNS

RUSSELL WESTBROOK

WESTBROOK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with