Red jersey suot pa rin ni Barnachea: Stage 3 kay Roque
ILIGAN City, Philippines --Ginamit ng 21-anyos na si Rudy Roque ang kanÂyang kabataan para pagharian ang 137.8-km Pagadian City hanggang Iligan City Stage Three ng 2013 LBC Ronda Pilipinas.
Mula simula hanggang natapos ang karera ay nasa unahan ang tubong Tipo, Bataan tungo sa pagsumite ng nangungunang tatlong oras, 17 minuto at 51 segundo.
“Gusto ko talagang maÂnalo pero ang main goal ko ay tulungan ang team,†wika ni Roque na kasapi ng LPGMA-Amercan Vinyl.
May 35 siklista ang magÂkakasama sa main peloton na tumawid sa ikalawang puwesto sa 3:19:01 at kasama rito si Santy Barnachea ng Navy-Standard.
Pero dahil hindi naman malayo ang agwat ni Barnachea kay Roque, ang 36-anyos na rider ang siya pa ring magsusuot ng red jersey sa pagpapatuloy ng karera sa Miyerkules na isang 134.2 kilometer race mula Iligan City hanggang Cebu City.
May kabuuang oras na siyam na oras, 54 minuto at 19 segundo si Barnachea habang si Roque ay lumundag mula ika-11th puwesto tungo sa ikatlo sa 9:57:13 tiyempo.
Nasa ikalawa pa rin si Tomas Martinez ng Tarlac sa 9:56:22 habang ang Roadbike Philippines RoÂnald Gorantes na nanalo sa Stage Two ang nasa ikaapat sa 9:57:19 habang si Irish Valenzuela ng LPGMA-Amerivan Vinyl, ang nasa ikalima sa 9:57:20.
Kasama rin sa top 10 sina Navy-Standard’s George Oconer (9:57.35), Smart’s Marcelo Felipe (9:57.38), LPGMA-AmeÂrican Vinyl’s Cris Joven (9:57.54) at Hundred Islands Pangasinan’s Reynaldo Navarro (9:57.57).
Una pa rin ang grupo ni Barnachea sa team comÂpetition sa naipong 29:46:46 oras, habang nasa ikalawa ang Smart sa 29:50:05 at ang Roadbike ang nasa ikatlo sa 29:52:09.
Ang lahat ng kasapi ay magpapahinga upang makabawi ng lakas matapos ang tatlong laps sa 16-leg, 21-day karera na tatahak ng 2,200 kilometers.
- Latest