‘The Filipino Flash’ wala pang tiyak na makakalaban sa Marso

MANILA, Philippines - Masasalang muna sa ma­daling laban si Nonito ‘The Filipino Flash’ Do­naire, Jr. sa kanyang unang sampa ng ring sa 2013.

Si Donaire, naipana­lo ang apat na laban na hi­narap noong 2012 na nag­resulta sa pagreretiro nina Toshiaki Nishioka ng Japan at Jorge Arce ng Mexico, ay balak ibalik sa boxing ring ng Top Rank sa Marso o Abril.

Pero masyado itong  ma­aga para maikasa ang ma­laking laban kontra sa may pangalang tulad nina Ab­ner Mares ng Mexico at Guillermo Rigondeaux.

Si Mares na mayroong 25 panalo at isang tabla ay huling lumaban kontra kay Anselmo Moreno ng Pa­nama noong Nobyembre at nanalo siya sa pamama­gitan ng unanimous decision upang manatiling  ha­wak ang WBC super ban­tamweight title.

Sinasabing sa Pebrero ba­lak isalang si Mares kaya’t malabong mangya­ri kaagad ang pinakasasa­bi­kang tagisan nila ni Do­naire.

Si Rigondeax ay hari sa WBA pero huli siyang lu­maban noong Setyembre at tinalo niya si Robert Marroquin ng US sa isang unanimous decision.

Inihayag ni Donaire na nais niyang maipagpatuloy ang naipakita noong na­karaang taon pero hindi ma­madaliin ang malala­king laban at hihintayin ang plano ng kanyang promoter bago magsagawa ng desisyon.

Sina Wilfredo Vazquez ng Puerto Rico at Jeff Muthe­bula ng South Africa ang dalawang naunang ti­­nalo ni Donaire noong 20­12.

Show comments