^

PSN Palaro

UAAP women’s volleyball: 3rd win sasakmalin ng UST Belles vs UE Tossers

AT - Pilipino Star Ngayon

Laro Ngayon

(The Arena, San Juan City)

8 a.m.  AdU vs UP (M)

9:30 a.m.  ADMU vs DLSU (M)

2 p.m. UE vs UST (W)

3:30 p.m.  NU vs FEU (W)

 

 

MANILA, Philippines - Palalakasin pa ng UST ang pagkakakapit sa ikaapat na puwesto sa pagbabalik-aksyon ng UAAP women’s volleyball ngayon sa The Arena sa San Juan City.

Kalaban ng Lady Tig­resses ang UE sa ganap na alas-2 ng hapon at balak ng UST na kunin ang ikatlong panalo matapos ang limang laro sa liga.

Galing ang UST sa 25-18, 25-11, 25-14, panalo sa UP noong Disyembre 15 ang mahigit na dalawang linggong pahinga ay tiyak na makakatulong para manumbalik ang dating matikas na porma.

Si Maru Banaticla na tu­mapos bitbit ang season high na 13 hits ang ma­ngunguna sa Lady Tigres­ses habang ang suporta ay magmumula kina Judy Caballejo at Maika Ortiz.

Ang host NU ay masusukat sa FEU sa ikalawang laro sa alas-3:30 at maitabla sa 3-3 ang hanap ng Lady Bulldogs.

Galing ang koponan mula sa dalawang dikit na pagkatalo upang magka­roon lamang ng 2-3 baraha.

Mahalaga ang makuku­hang panalo dahil ang Lady Tams ay may 1-3 karta at aangat sila sa NU kung masilat ang katunggali.

Ang 6’1  spiker Dindin Santiago ang pangunahing sandata ng NU pero mapapadali ang asam na panalo kung gagana rin sina Myla Pablo, Cai Nepomuceno at libero  Jen Reyes.

Bago ang women’s matches ay mapapanood muna ang tagisan sa men’s division at unang magsusukatan ang Adamson at UP sa alas-8 ng umaga bago sundan ng pagkikita ng Ateneo at La Salle.

CAI NEPOMUCENO

DINDIN SANTIAGO

JEN REYES

JUDY CABALLEJO

LA SALLE

LADY BULLDOGS

LADY TAMS

LADY TIG

SAN JUAN CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with