Barea humataw sa Minnesota
DENVER -- Maski ang isang sprained finger sa kanilang All-Star forward ay hindi makakaapekto sa pagsikwat ng Minnesota Timberwolves sa kanilang panalo.
Humugot si J.J. Barea ng 12 sa kanyang 17 points sa fourth quarter, habang naupo naman si Kevin Love sa bench dahil sa kanyang injured finger, para igiya ang Minnesota sa 101-97 tagumpay kontra sa Denver Nuggets noong Huwebes ng gabi.
Ito ang ikalawang sunod na gabi na naglaro ang Timberwolves.
Naging malamya naÂman ang ipinakita ng NugÂgets dalawang araw matapos pigilin ang 17-game winning streak ng Los Angeles Clippers.
May 10-2 win-loss record ngayon ang Nuggets sa kanilang tahanan sa Denver ngayong season.
Isang three-point shot ang isinalpak ni Luke Ridnour para ibigay sa Timberwolves ang kalamangan sa huling 2:43 sa fourth quarter kasunod ang tres ni Barea na siyang sumelyo sa kanilang panalo.
Nalasap naman ni Love ang sprained finger sa kanyang kanang kamay sa third quarter bago dinala sa kanilang locker room.
Tumapos si Love na may 12 points at 17 rebounds sa loob ng 24 miÂnuto.
Nagbalik siya sa bench para suportahan ang kanyang mga kakampi.
- Latest