^

PSN Palaro

San Miguel Beermen mas palaban ngayon sa ABL

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Asahan na magiging palaban uli ang San Miguel Beermen sa ikaaapat na taon ng ASEAN Basketball League.

Pumangalawa ang Beer­­men sa Indonesia War­riors nang naisuko nila ang homecourt advantage nang tanggapin ang 76-78   pagkatalo sa Game Three ng finals.

Nagpalakas ang Beermen sa taong ito at  kumu­ha ng solidong panuporta  kay Leo Avenido para  ma­kuha na ang mailap na ko­rona sa ikawang taon ng paglalaro sa regional basketball league.

Sina Paul Asi Taulava at Eric Menk ay nasa Beermen, habang ang mga im­ports ay sina Gabe Freeman at Brian Williams.

Si Freeman ay dating nag­laro sa Philippine Pa­triots at napagkampeon niya ito sa unang taon noong 2009.

Sa kabilang banda, si Williams ang dating import ng KL Dragons na  umabot ng Final Four pero natalo sa Beermen para tumapos sa ikaapat na puwesto.

Nag-average ng 20 puntos, 14.31 rebounds, 2.56  assists at 1 steals, si Williams ay nasasabik na masali sa Beermen at nangako siyang gagawin ang lahat para mapagkampeon ang koponan.

Kung  magagawa niya ito,  makakatikim din ng ka­una-unahang titulo sa kan­yang ABL career si Williams na bumibiyahe na pa­tungong Pilipinas.

“Heading to Philippines to continue pursuing my dream. I will give my best to help my San Miguel Beermen family win the ABL championship,” wika ni Williams sa kanyang official twitter. Si Freeman ay inaasahang parating na rin.

Patuloy naman ang pag­sasanay ng mga locals at kahapon ay sumalang sila sa tune-up game laban sa Cebuana Lhuillier na kanilang tinalo, 79-62.

Sa Enero 11 magbubu­kas ang ABL at ang ope­ning game ay gagawin sa Mahaka Square at kata­tampukan ang tagisan ng Warriors at Beermen sa ganap na alas-7 ng gabi Indonesia time.

BASKETBALL LEAGUE

BEERMEN

BRIAN WILLIAMS

CEBUANA LHUILLIER

ERIC MENK

FINAL FOUR

SAN MIGUEL BEERMEN

SHY

SI FREEMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with