Picson pinarangalan ng ASBC
MANILA, Philippines - Nagbunga ang pagsusumikap ni ABAP executive director Ed Picson na paunlarin ang boxing hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong rehiyon.
Umabot sa 99% ang botong nakuha ni Picson mula sa Asian Boxing Confederation (ASBC) para hirangin ang dating sportscaster na kinuha ng ABAP bilang Best Asian National Federation Executive Director 2012.
Naunang ninombra ni ABAP president Ricky Vargas si Picson at nakatunggali ng opisyal ang mga executive director ng ibang kaanib na pederasyon ng ASBC.
Matapos ang botohan, lumabas si Picson bilang pinakamahusay na ED base sa makuhang solidong boto.
“I have the honour to inform you that your candidate has been chosen by the ASBC Executive Committee. Moreover, it has been unanimously approved by the Executive Committee Member of ASBC,” wika ni ASBC president Gofur Rakhimov ng Uzbekistan.
Masaya ang ABAP sa pangyayari dahil karapat-dapat naman si Picson sa nasabing parangal.
“Ed truly is deserving of this award for his hard work and dedication in the overall effort to uplift Philippine boxing. This award is also a proof and testament that ABAP already enjoys solid relations with our Asian counterparts,” wika ni ABAP president Ricky Vargas.
Si Picson ay nagbabakasyon sa US kasama ang kanyang pamilya at pinasalamatan ang mga taong naniwala sa kanyang mga nagawa.
Idinagdag ni Picson na hindi niya masosolo ang parangal dahil gumagalaw din para magtagumpay ang mga planong nakalatag ng secretary-general na si Patrick Gregorio.
- Latest