^

PSN Palaro

Lady Altas dumiretso sa 5-dikit na panalo

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tinapos ng nagdedepensang University of Per­­petual Help System Dalta ang taong 2012 sa pamamagitan ng 25-12, 25-21, 25-19, panalo sa Letran upang manatiling gumugulong ang kanilang winning streak sa 88th NCAA women’s basketball.

Sa kabuuan, ang Lady Altas ay may  5-0 baraha sa season upang umangat na sa19 ang pag­papanalong naitalang ko­ponan. Hindi natalo ang women’s team ng Perpe­tual Help noong nakaraang season.

Masasabing wala pang nakakasukat sa tunay na lakas ng Lady Altas dahil tanging ang San Sebastian lamang ang umabot sa five sets bago yumukod, 19-25, 25-22, 15-25, 25-20, 19-25.

Si Sandra delos Santos ang lider ng koponan ni coach Jason Sapin at Sandy Rieta habang sina April Sartin at Jane Diaz ang  nagbibigay ng suporta.

Napantayan ng Altas ang   magandang pagtatapos ng Lady Altas nang   ma­nalo rin sa huling asignatura sa 2012 laban sa Letran, 22-25, 25-23, 19-25, 26-24, 15-11.

Triple-celebration ang nangyari sa Perpetual Help dahil ang kanilang junior team ay nagdomina rin sa Letran Squires sa 25-14. 25-20, 25-19, straight sets panalo.

Si Eldroge Capal ang  lider ng Junior Altas nang kumuha ng 15 puntos mula sa walong spikes at apat na blocks.

Sa ngayon ang Junior Altas ay  may 2-1 panalo-talo para sa ikatlong puwesto.

APRIL SARTIN

HELP SYSTEM DALTA

JANE DIAZ

JASON SAPIN

JUNIOR ALTAS

LADY ALTAS

LETRAN

LETRAN SQUIRES

PERPETUAL HELP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with