^

PSN Palaro

Kahit laglag sa No. 1 sa WPA rankings, Orcollo pinakamarami pa ring kinita

Angeline Tan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Wala na kay Dennis Orcollo ang pagiging number one pool player sa mundo na iginagawad ng international body World Pool Association, pero hindi ito na­ngangahulugan na hindi produktibo ang taong 2012 para sa Bislig, Surigao del Sur cue artist.

Si  Chang Jun-ling ng Chinese Taipei ang number one player ngayon pero pinawi ng 33-anyos na si Orcollo ang bagay na ito nang malagay naman bilang ikatlo sa may pinaka­ma­raming kinita sa pool.

Sa ngayon, si Orcollo ay nakapag-uwi na ng $101,150.00 premyo at ang nakaangat lamang sa kanya sa listahan ng AZBilliards.com ay sina Shane Van Boening at Darren Appleton.

Una si Van Boening sa $139,923.00 habang si Appleton ang nasa ikalawang puwesto sa $109,904.00.

Sumali sa 15 malala­king torneo si Orcollo at nanalo siya sa China Open at US 10-ball Open para i-uwi ang $40,000.00 at $15,000.00 gantimpala.

Nalagay din si Orcollo sa ikalawang puwesto sa US Open 9-ball at puma­ngatlo sa Guinness World Series of Pool para katampukan ang magandang re­sulta sa malalaking pool events sa 2012.

Wala ng Pinoy pa ang nasa top 10 dahil si Francisco Bustamante ang siyang ikalawang pinakamahusay na pool player ng bansa ay nasa ika-15th puwesto sa $30,025.00 premyo habang si Warren Kiamco ang pangatlong pinakamahusay na player ng bansa na nasa 30th pangkalaha­tan sa $21,275.00 premyo.

 

 

CHANG JUN

CHINA OPEN

CHINESE TAIPEI

DARREN APPLETON

DENNIS ORCOLLO

FRANCISCO BUSTAMANTE

GUINNESS WORLD SERIES OF POOL

ORCOLLO

SHANE VAN BOENING

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with