^

PSN Palaro

Pagpili sa Letran coach ipinasa na kay Fr. Lana

AT - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibinigay na ng Letran screening committee ang mga pangalan na puwedeng humalili sa puwestong iniwan ni coach Louie Alas.

Sa panayam kahapon kay Letran athletic director Fr. Vic Calvo, O.P., kanyang tinuran na ang listahan na pagmumulan ng pangalan ng bagong coach ay ibinigay na sa pangulo ng paaralan na si Fr. Tamerlane Lana, O.P.

“The list is now in the hands of our Rector. It’s now his decision on who to choose,” wika ni Fr. Calvo.

Siyam na pangalan na dating mga naglaro o nag-coach sa koponan ang hinarap at ininterbyu ng  search committee sa pagsisimula ng buwan ng Disyembre.

Huling nagharap ang search commiittee noong Dis­yembre 23 at saka binuo ang rekomendasyon ka­sama ang mga rason na kung bakit para sa kanila, ang mga pangalang nakalista ang  karapat-dapat na maupo bilang bagong head coach.

Kasama sa nag-apply sa puwesto ang multi-titled Knights coach Larry Albano habang ang  iba pang kilala na sa pagko-coaching ay sina assistant coach Justiniano Pinat at Raymond Gavierres, da­ting Squires player na naging NCAA at PBA coach Ca­loy  Garcia, dating PBL coach Nel Prado at dating kamador at ex-PBA cager Ronjay Enrile.

Nagbitiw si Alas matapos mabigo na ibigay sa Letran ang titulo nang natalo sa tatlong laro sa finals.

 

COACH

JUSTINIANO PINAT

LARRY ALBANO

LETRAN

LOUIE ALAS

NEL PRADO

RAYMOND GAVIERRES

RONJAY ENRILE

TAMERLANE LANA

VIC CALVO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with