^

PSN Palaro

Bago hinirang na coach ng Talk ‘n Text sa PBA: Black binigyan muna ng 5-peat ang Ateneo

ATan - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa opisyal na press con­­ference para sa 75th UAAP season, itinuro ng mga coaches ang Ateneo bilang team to beat pa rin sa liga.

Hindi naman sila binigo ni coach Norman Black da­hil ibinigay niya sa Blue Eagles ang kanilang ika-limang sunod na titulo sa huling taon sa koponan.

May 15-2 baraha ang Blue Eagles sa kabuuan ng season at ang huling da­lawang panalo ay kinuha laban sa UST, 83-78 at 65-62, para walisin ang best-of-three series.

Ang tagumpay na ito ay tumabon sa kabiguan inabot ni Black noong 2006 nang natalo sa kamay ni UST coach Alfredo Jarencio kahit nakauna sa serye.

“It has been a good run,” wika ni Black na tinapos na rin ang siyam na taong paninilbihan sa Ateneo bitbit ang limang titulo at isang segundo puwestong pagtatapos.

“The hardest part to do was continue winning. The more you win, the more people want to bring you down. The more you have to bring you’re A-game every time,” dagdag ng 54-anyos na mentor na ini­­lagay din ang Eagles sa ika­lawang puwesto kasunod ng UE na may pinakamahabang winning streak sa championship.

Ang UE ang nangu­ngu­na sa pitong sunod mula 1965 hanggang 19­71.

Patok ang Eagles kahit nawala ang iba pang matitikas noong 2011 sa pa­ngunguna nina Eman Mon­fort at Kirk Long dahil na­sa koponan pa rin ang ‘Big 3’ na sina Kiefer Rave­na, Greg Slaughter at Nico Salva.

Ang sophomore na si Ra­vena ang siyang lumabas bilang leading scorer ng koponan sa kanyang 15.69 puntos, 5.3 rebounds, 3.5 assists at 1 steal, habang ang 7-footer na si Slaughter ay naghatid ng 13.38 puntos, 9.6 re­bounds, 1.75 assists at 2.75 blocks sa 30 minutong paglalaro.

Si Salva ay tumapos bit­bit ang 14.31 puntos, 4.7 rebounds at 1.69 assists at winakasan niya ang makulay na collegiate ca­reer hawak ang limang titulo sa ganoong dami ng paglalaro sa UAAP.

Ang Tigers na siyang sinabi ni Black na mabigat sa taong ito, ang tunay na naging karibal ng Ateneo dahil sila ang nagpalasap ng una sa dalawang kabiguan sa season sa 71-70 sa ikalawang asignatura.

Hindi na nakaulit pa ang UST sa sunod na tatlong pag­kikita pero dumaan sa butas ng karayom ang ka­nilang mga laban dahil ang winning margin lamang ng Blue Eagles ay nasa 3.6 puntos lang.

Tulad sa kabilang liga, nagkaroon din ng kontro­bersya ang finals dahil sa ‘slit-throat’ na ginawa ni Ja­rencio at ang akusasyon na pinapaboran ng mga referees si Black, ang kan­yang dating coach, na isang Americano sa Game One na napagwagian ng Ateneo.

Nagkaroon ng palitan ng maiinit na salita pero natapos din ito ng isang mainit na kamayan at yakapan ma­­tapos ang game two.

Sa pagtatapos ng liga, lu­mutang uli ang pangalan ni Bobby Ray Parks Jr. ng National University na pinara­ngalan bilang MVP ng liga sa ikalawang sunod na taon sa matikas na 17.92 puntos, 6.7 rebounds, 4.5 assists at 1.3 steals sa 33.38 minutong exposure.

ALFREDO JARENCIO

ANG TIGERS

ATENEO

BLUE EAGLES

BOBBY RAY PARKS JR.

EMAN MON

GAME ONE

GREG SLAUGHTER

KIEFER RAVE

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
10 hours ago
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with